akala ko nakita ko na lahat ng kagandahan na i-ooffer ng mga mountains dito sa benguet, satisfied na kasi ako na makita lang sila mula sa malayo. Yung kasing kalsada na nagkokonekta sa baguio at Philex (kung saan ako nag o-ojt,) magandang maganda na ang view. Bukod sa pataas siya, ma fog at malamig, ang ganda ganda talaga ng view.
Ayun, pero hindi pa pala dun natatapos ang adventure. hehe. Natransfer ako sa geology department. Hmmm, kung sa school naluluha ako pag geology na, dito hindi. Pinasakay nila kami sa likod ng isang sasakyan. (cruiser ata tawag dun), tapos ayun, bale open air talaga, sabi nila sakin kapit daw ako, nde ko naman magets kung bakit kasi diretsong kalsada naman yung dinadaanan namin,
Aba pota akalain mo, nung marealize ko, sa bundok kami papunta, ang lupet, nung una tuwang tuwa ako, kasi ang saya nadadaanan namin yung mga kahoy kahoy,ganun, Parang nature trip na hindi ka na maglalakad kasi asa likod ka ng sasakyan. hehe. Aba !!! akalain mo, mas lumupit pa !!! may parang slope kami na dinaanan, as in STEEP SLOPE na pataas. At dahil nasa likod nga ako ng sasakyan, pagtaas, feeling ko malalaglag ako, kaya kapit ako ng todo, para ka talagang malalaglag, tapos pinapabayaan lang nila kami. haha.
ayun, tulo lahat ng pawis ko sa hirap at masakit ang mga kamay kasi todo kapit, tapos ang kikitid pa nung daan, tapos kita mo yung bangin na mahuhulugan niyo if ever maglamali si kuya driver. haha.
sa sobrang kaba ko, hindi ko na napansin na tanghaling tapat nun at sobrang init. Mahirap din pala pag kalbo, ramdam na ramdam mo ang init. hehe
tapos ayun isang mababang paikot ikot na trail. na puro puno. hehe. nature trip talaga, parang feeling mo hindi unti unting namamatay ang mundo.
ayun, Gusto ko na dito talaga,,pramis. ang dami na namin makinang na bato sa kwarto, salamat sa mga mababait na minero.
speaking of minero, potek ang bait nila sa amin dito. Parang everytime na makita nila kami sa ilalim ng lupa, bibigyan nila kami ng mangga at suka, o kaya naman bato ng makikinang, hehe,
pero hinding hindi ko makakalimutan si kuya minero (hindi ko na natanong pangalan niya),,, akalain mo ba namang ako ang pinagdala niya ng mga dinamitang gagamitin sa pagpapasabog ng bato. hehe,
ayun nagpasabog kami ng mga bato nung huling araw ko sa underground. (siyempre sila nag set up, ako lang ang tagadala ng mga dinamita at wires.)
tang ina, nakakatakot. Akala ko pa naman Lalayo muna kami bago sindihan gamit ang isang mahabang wire, pota bigla ba naman niyang sinindihan sa tabi ko yung wire tapos nung makita ko, siyempre unang naisip ko tumakbo agad, aba hindi pinaglakad niya kami, parang strolling strolling lang. Matagal pa daw sasabog yun, mga many SECONDS (oo nga eh, nagpanic talaga ako sa SECONDS). pero ayun , nagtiwala na lang ako sa kanya, masama namang ako lang ang tumakbo, bukod sa madilim at posible akong maligaw sa ilalim ng lupa, madami pang pwedeng sumagasa saking malalaking sasakyan dun.
Ayun, after ng lakad namin, pinatigil niya ako, takip daw ako ng tenga, kasi malakas yun, siyempre sunod naman ako. (haha) ayun, nakakatakot isipin na may malakas na sasabog any SECOND. yung antipcipation ng malaiking BOOOOMMM!!!! nakakatakot at nakakakaba. haha.
ayun, sumabog na nga yung dinamita. At tama lang na natakot ako. Ang lakas nun eh, ang lakas nung hangin dala ng pagsabog, talagang kaya kang itulak.
salamat naman at kumpleto pa body parts ko. haha.